GMA Logo Kimson Tan
What's Hot

Kimson Tan, inaming dalawang beses nag-audition bago maging isang Kapuso

By Aimee Anoc
Published October 26, 2021 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kimson Tan


"Very blessed ako. It's a once-in-a-lifetime opportunity. Thankful ako sobra sa GMA." - Kimson Tan

Inamin ni Kimson Tan na dalawang beses siyang nag-audition sa GMA Artist Center bago maging ganap na Kapuso.

Sa press interview noong Lunes, October 25, ipinarating ni Kimson na sobrang "blessed at thankful"siya na maging isang Kapuso.

"Very blessed ako. It's a once-in-a-lifetime opportunity. Thankful ako sobra sa GMA, to my manager Ms. Joy. To be honest this is my second time na nag-audition for GMA Artist [Center]," pagbabahagi ng aktor.

Noong Pebrero nang maging ganap na Kapuso si Kimson matapos na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

"My journey so far being a Kapuso, masaya siya kasi marami akong bagay na na-e-experience like sa mga guesting, sa pag-arte. Maraming mga bagay na bago sa akin," dagdag niya.

A post shared by Kimson Tan (@kimsontann)

Ayon kay Kimson, looking forward siya na mas mahasa pa ang kanyang talento sa pag-arte at sa mga bagong kaibigan na makikilala sa GMA.

"Mas mahasa 'yung pag-arte ko, syempre 'yung pag-arte naman it's an art. Ang sinasabi sa amin sa workshop, 'our job is to experience,' ma-experience 'yung feelings, 'yung mga bagong bagay. Sobrang excited ako na maramdaman 'yun. I know in this industry I can improve myself pa like individually," pagtatapos niya.

Noong 2020, parte si Kimson ng boy's love series na 'In Between,' na pinagbidahan ng bagong Kapuso actor na si Migs Villasis.

Samantala, kilalanin pa si Kimson Tan sa gallery na ito: