GMA Logo Kimson Tan
Celebrity Life

Kimson Tan reveals vlogging boosted his self-confidence as an actor

By Aimee Anoc
Published October 27, 2021 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kimson Tan


"I think vlogging is a stepping stone para mas maging komportable ka sa kamera, mas maging confident ka sa sarili mo." - Kimson Tan

Kahit baguhan pa lamang sa pagba-vlog, ibinahagi ni Kapuso actor Kimson Tan ang malaking naitulong nito sa kanya.

Sa press interview noong Lunes, sinabi ni Kimson na mas naging komportable na siya sa kamera simula nang subukan ang vlogging. Mahirap man pero masaya ang aktor dahil napapataas nito ang kumpyansa niya sa sarili.

"Mahirap pero masaya. Mahirap kasi kailangan mong mag-isip ng content and mahirap kasi ako 'yung nag-e-edit. I give talaga time to edit. Minsan sa isang video I spend three to four hours just to edit a video," pagbabahagi ng aktor.

"Pero the journey is fun kasi mas nagiging confident ka lalo na kaming mga artista kailangan lagi kaming sanay sa kamera. So I think vlogging is a stepping stone para mas maging komportable ka sa kamera, mas maging confident ka sa sarili mo," dagdag niya.

Ayon kay Kimson, sa pamamagitan ng pagba-vlog mas nadidiskubre niya ang kanyang sarili at ang iba pang talento.

"Minsan kasi kapag nagba-vlog ka, may mga bagay na hindi mo akalain na kaya mong gawin, na kaya mo pala. May mga bagay na dati akala mo hindi s'ya para sa 'yo pero kapag ginagawa mo na [palagi] mawawala 'yung hiya mo,” kuwento pa niya.

"Kasi minsan kapag nasa labas ka kailangan mong mag-vlog syempre nakakahiya kapag maraming tao. Pero kapag nagba-vlog ka na minsan wala na lang, okay na, tuloy-tuloy na 'yung vlog mo," sabi ni Kimson.

Kasalukuyang mayroong 16 videos ang YouTube channel ni Kimson.

“'Yun din 'yung pinaka naging tulong sa akin ng pagba-vlog kasi hindi naman sa mahiyain ako pero pili lang palagi ako magsalita. Pero simula nang mag-vlog ako natutunan ko, 'ay okay tuloy-tuloy lang basta masaya ako.' Kasi kapag nagba-vlog ka iba 'yung feeling," pagtatapos niya.

Noong 2020, parte si Kimson ng boy's love series na In Between, na pinagbidahan ng bagong Kapuso actor na si Migs Villasis.

Samantala, kilalanin pa si Kimson Tan sa gallery na ito: