What's Hot

'King of Ambition,' magsisimula na ngayong gabi

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Tutok na mga Kapuso!
By MARAH RUIZ

 
Bakit nga ba ganoon na lang ang galit ni Russell sa dati niyang kasintahang si Diane?
 
Magkakilala na sina Russell at Diane simula pagkabata sa isang bahay-ampunan. Nagkahiwalay sila nang may umampon kay Diane, ngunit muli silang pinagtagpo ng tadhana matapos ang ilang taon. Kaya naman lubos ang pag-aaruga ni Russell sa dalaga nang muli silang magsama. 
 
Ngunit ano ang ginawa ni Diane? Nakuha pa niyang pagtaksilan si Russell na mula sa simula ay minahal at inalagaan siya ng walang pasubali. 
 
Ngayon, ang lubos na pagmamahal ay magiging marubdob na poot. Gagawin ni Russell ang lahat para pagbayarin si Diane sa kanyang mga kasalanan. Si Diane naman, hindi pa matatapos ang kasakiman hanggang marating niya ang pinakamatataas niyang pangarap. 
 
Umani ang King of Ambition ng maraming mga nominasyon katulad ng Outstanding Korean Drama Actor at Outstanding Korean Drama Actress para sa dalawang bidang sina Kwon Sang Woo at Soo Ae. Natanggap naman nito ang Outstanding Korean Drama sa Seoul International Drama Awards noong 2013. 
 
Tunghayan ang manipulasyon, pagtataksil at pangmamaniobra nina Russell at Diane para mapabagsak ang isa't-isa sa King of Ambition, magsisimula na ngayong gabi, April 15, pagkatapos ng Second Chances, sa Heart of Asia, GMA.