
Isa si King of Talk Boy Abunda sa speakers sa magaganap na “Be Juan Tama Talks” ngayong February 19 sa GMA Network. Makakasama rito ng batikang host ang founding editor ng PEP.ph na si Jo-ann Maglipon.
Ang forum ay isinagawa para sa college students at maging sa mga empleyado ng GMA Network. Tatalakayin sa naturang forum ang tungkol sa paghahatid ng impormasyon at content sa publiko lalo na ngayon sa panahon ng digital era.
Ibabahagi rin nila ang ilang best practices sa industriya na maaaring gamitin at pagkunan ng kaalaman ng media students. Kabilang na rito ang pag-unawa ng impormasyon para malaman ang kredibilidad nito.
Tatalakayin din ng dalawang resource persons kung gaano kalaki ang danyos na dulot ng misinformation, disinformation, at malinformation, ang kung alin sa mga ito ang pinaka delikado sa mga mamamahayag at mga mambabasa.
Sa huli, bibigyan din ng kaalaman ang audience tungkol sa pagsisikap ng Be Juan Tama, sa tulong ng mga programa ng GMA na Fast Talk with Boy Abunda, iBilib, at Amazing Earth, at ng PEP.ph, para magbigay ng tamang kaalaman sa mga konsyumer.
Ang Be Juan Tama ay isang adbokasiya ng GMA Network para hikayatin ang mga manonood maging “Be Juan Tama” at piliin ang content na nagpapaunlad ng kaisipan, emosyonal, at panlipunang pag-unlad.
Bukod sa pagdalo sa “Be Juan Tama Talks”, maaari ring panoorin ang live stream nito sa Facebook accounts ng Fast Talk with Boy Abunda, iBilib, at Amazing Earth.
TINGNAN ANG PAGLUNSAD NG 'BE JUAN TAMA' CAMPAIGN KASAMA SINA BOY ABUNDA, DINGDONG DANTES, AT CHRIS TIU SA GALLERY NA ITO: