
Kasunod ng limang successful nose at ear surgeries na pinagdaanan ni Josh Ford, kasalukuyan siyang nagpapagaling at nakapahinga muna sa trabaho.
Sa social media post ng Tita ni Josh na si Edith Petonio, ibinahagi niya ang ilang update tungkol sa Sparkle star.
Makikita sa photos na dumalaw kay Josh ang Star Magic artist na si Kira Balinger.
Related gallery: The many times Kira Balinger and Josh Ford made us go kilig
Sa kalagitnaan ng pagbisita ni Kira ay nakausap nila sa pamamagitan ng video call ang mommy ni Josh at iba pang relatives ng aktor.
Agad itong napansin ng netizens online at talaga namang kinakiligan ang personal na pagdalaw ni Kira kay Josh lalo na ng fans ng KiSh (Kira and Josh).
Narito ang ilang positive comments tungkol sa latest update tungkol sa KiSh:
Si Josh ay sumailalim sa septoplasty, uncinectomy, polypectomy, left turbinectomy, at left myringoplasty upang mas maging maayos ang pag-function ng kanyang nose at ear na naapektuhan noong nasangkot siya sa isang car accident noong 2023.
Sina Josh at Kira ay nagkasama bilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at patuloy silang isini-ship ng fans sa outside world.
Kabilang sila sa cast ng suspense collab drama series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.
Related content: PBB Celebrity Collab housemates reunite for The Secrets of Hotel 88 mid-season mediacon