
Hindi inasahan ng netizens ang nakakatuwang reaksyon ni Kira Balinger sa pagbabalik ni Charlie Fleming sa Pinoy Big Brother matapos nitong manalo sa wildcard vote.
Sa X (formerly Twitter), nag-tweet si Kira tungkol sa kanilang TikTok streak ni Charlie nang malaman nitong babalik na ang dating ka-duo sa Bahay ni Kuya.
"TEKA yung 35 day TikTok streak namin ni Charlieeeee," isinulat ni Kira.
Sa comments section, maraming naaliw sa tweet ni Kira at nag-suggest ang mga KiSh fans na ipagpatuloy na lamang ito kasama si Josh Ford.
TEKA yung 35 day TikTok streak namin ni Charlieeeee 😭😭💀💔
-- Kira Balinger (@Kbalinger) May 18, 2025
Bumalik si Charlie sa PBB house kasama si Ralph De Leon nitong Linggo, May 18.
Na-evict si Charlie at Kira noong April 12 mula sa ikalawang nominasyon.
Huwag palampasin ang susunod na kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, tingnan dito ang sexy summer photos ni Kira Balinger: