
Ang mga komedyanteng sina Kiray Celis at Jerald Napoles ang bibida sa real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "From Poser To Forever," gaganap sila bilang dalawang taong itatago ang tunay nilang mga itsura.
Si Kiray ay si Jane habang si Jerald ay si Marvin. Magkakakilala sila online gamit ang pictures ng ibang mga tao.
Dahil sa mga chat at tawag, magiging magkaibigan ang dalawa at magdedesisyong magkita sa personal.
Ano ang magiging reaksiyon nila kung malamang poser sila pareho?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: