
Ikinuwento ni Kiray Celis na matagal na silang magkakilala ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia bago pa siya niligawan nito noong 2019.
Ayon kay Kiray, nagsimula sa paglalaro ng 'Mobile Legends' ang kanilang love story.
“Best friend siya for 10 years ng kapatid ko tapos lagi na kaming nagkikita, magkakilala kami pero sobrang deadma,” kuwento ni Kiray sa GMANetwork.com.
“Alam mo 'yung 'pag nagkita, wala lang. Hindi siya nag-e-exist sa akin, hindi rin ako nag-e-exist sa kanya kasi hindi siya gaano mahilig sa artista.
“Mayroon akong naging relationship tapos mayroon siyang naging relationship, sabay kami, three years 'yung naging relationship namin pareho.
“Hanggang noong November 29, to be exact, nakausap ko siya [for the first time] kasi nung time na 'yun, single na ako, nag-e-ML ako palagi.
“E, nag-e-ML din siya, sabi ko, 'Tara g, laro tayo.'
“Tapos natalo kami, as in ang sakit nung pagkakatalo namin. Alam mo 'yung panalo na tapos natalo pa?
“Tapos bigla siyang humugot, sabi niya, 'Okay lang matalo sa laro 'wag lang sa pag-ibig.'
“Sabi ko, 'Bakit parang hugot na hugot ka naman?' E, sa isip ko, ako nga 'tong [brokenhearted].
“Siya rin pala kakahiwalay niya lang din pala.
“Doon nagsimula 'yon.”
Dagdag pa ni Kiray, parehong-pareho sila ng pinagdaanan ni Stephan na pati ang rason kung bakit nakipaghiwalay sa kanila ang dati nilang mga karelasyon ay pareho.
“Isa lang 'yung rason. Alam mo 'yung ito 'yung rason nung isa, ito 'yung rason nung isa, [sabi ko,] 'Oh my God pareho!'” dagdag ni Kiray.
“Sabi ko, 'Wow. Tayo pa nga ang nasisi. Nakakaloka.'”
Source: stephan.estopia (IG)
Pinaliwanag din ni Kiray na hindi sila nagli-live-in ni Stephan dahil magkapitbahay lang sila.
Saad niya, “Actually araw-araw nandito siya, e.”
“Nakakatawa nga kapag nag-aaway kami, kunwari mag-aaway kami ng 3 a.m., 4 a.m., bigla na lang 'yan kakatok sa pinto namin.
“Ganun siya kalapit.”
Kiray Celis, may natutunan tungkol sa halaga ng pamilya ngayong quarantine
Kiray Celis reveals being brokenhearted while filming 'Summer Squad Goals'