GMA Logo Kiray Celis, Stephan Estopia, Marian Rivera
What's on TV

Kiray Celis, binigyan ng tip ni Marian Rivera bago ikasal

By Kristian Eric Javier
Published December 24, 2025 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis, Stephan Estopia, Marian Rivera


Anong payo ang binigay ni Marian Rivera para sa kasal ni Kiray Celis? Alamin dito.

Naging kapansin-pansin sa netizens ang naging lakad ni Kiray Celis sa kasal nila ni Stephan Estopia. Ayon sa aktres, nakuhanan niya ng tips sa paglalakad papunta sa altar si Primetime Queen Marian Rivera.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, ibinahagi ni Kiray na sobrang kalmado lang siya sa paglalakad, lalo na at umaabot ng 10 kilos ang tatlong yarda niyang train, at Lily of the Valley na bouquet.

“Ang una kong hiningan ng payo, Marian Rivera. Sabi ko, 'Ate, naiiyak na 'ko, paano 'yung kalmado, paano 'yung ganiyang mukha?' Sabi niya, 'Wag kang iiyak kasi 'yan 'yung pinaka masaya sa buhay mo na mangyayari.' Sabi niya, 'Basta masaya lang, masaya lang,'” pagbabahagi ni Kiray.

Ang kanilang Ninang Marian din umano ang nagpayo sa kaniya na i-enjoy lang ang kaniyang moment habang naglalakad papunta sa altar.

Pagbabahagi ni Kiray, habang naglalakad ay inawit ni Angeline Quinto ang kanilang wedding song na “'Til I met You' at pag-amin ng aktres, narinig pa lang niya ang umpisa ng kanta ay gusto na niyang maiyak at mag-break down.

Kuwento pa ni Kiray, “At saka po pinipilit nila, kasi po meron akong pocket sa wedding gown. Nilagyan nila 'yun ng tissue. Sabi ng designer ko, ''Pag gumanu'n ka, baka may lumabas sa pocket, papangit 'yung gown mo. Hawakan mo na lang sa bouquet.' E ang bigat nga po ng bouquet ta's ang laki, e ang liit ng kamay ko, Tito Boy. Binalik ko 'yung tissue, sabi ko, 'Hindi ako iiyak.'”

Ani Kiray, napanindigan niya ito at hindi siya umiyak hanggang sa makarating sa altar.

BALIKAN ANG STAR-STUDDED WEDDING NINA KIRAY AT STEPHAN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, mixed emotions man si Stephan, masaya naman siya sa sa wakas ay nakasal na sila ni Kiray. Sa katunayan, hindi na niya napigilan na maluha noong makita niya ang noon ay mapapangasawa pa lang na naglalakad papalapit sa kaniya.

“Sobrang saya po, e. Mixed emotions po siya. Sobrang saya, lalo na nu'ng nakita ko po siya, du'n na po talaga bumuhos 'yung luha ko,” sabi ni Stephan.