
Ipinasilip ni Kiray Celis sa netizens at kanyang fans ang kanyang kakaibang paraan sa pag-celebrate ng kanyang 32nd birthday.
Sa Instagram, makikita ang post ni Kiray, kung saan ibinida niya ang kanyang '90s-themed birthday celebration.
Ilan sa highlights nito ay ang kanyang Disney Princess-themed cake at birthday banner.
Ayon sa caption ng comedienne-actress, “healing her inner child” ang peg niya rito dahil di umano niya ito naranasan noon.
Sulat niya sa caption, “Noong bata ako, never kong naranasan magkaroon ng sariling '90s birthday party. Kaya sa batang Kiray na 1994 ipinanganak, para sa'yo 'to.”
“Simple pero masaya. Healing my inner child ang atake,” paglalarawan pa niya sa kanyang celebration.
Samantala, entering na sa parenthood life si Kiray at ang kanyang non-showbiz husband na si Stephan Estopia.
Related gallery: Kiray Celis and Stephan Estopia's sweetest moments
Sa ilang posts online, ibinabahagi ng couple kung gaano sila ka-excited na ma-meet ang kanilang first baby.
Sina Kiray at Stephan ay ikinasal noong December 2025.