
Madalas man ma-typecast sa kaniyang mga 'ugly roles,' pinatunayan naman ni Kiray Celis na kuntento siya sa kaniyang pisikal na kaayuan.
Sa blogcon ng indie movie na Portrait of My Love, deretsong sinagot ng Love You Two actor ang tanong ng isang blogger kung sumagi ba sa kaniyang isipan na magparetoke.
Magkapatid na in love sa iisang "the one" tampok sa 'Love You Two'
Saad niya, "Hindi. Feeling ko naman parang kaya ko naman dalhin ['yung sarili ko].
"Kung 'di mo kaya, magpagawa ka, pero for me, happy ako. 'Di ako nawawalan ng trabaho, 'di ko kailangan [magpa-retoke], masaya ako kung ano ako."
Paliwanag pa ni Kiray, mababa ang kaniyang pain tolerance kaya mas minabuti niyang huwag sumailalim sa plastic surgery.
"Takot talaga ko, nung first time na confine ako because of my UTI, para 'kong papataytin sa ER kasi nung kinukuhanan pa lang ako ng dugo, [humahagulgol na ko] kasi sobrang takot talaga, sobrang mababa ang pain tolerance ko talaga," bahagi niya.
Lingid sa kaalaman ng marami, hindi rin pala-makeup si Kiray at hindi masyadong mahilig sa mga pampaganda.
"Ako 'yung babaeng not into makeup talaga. 'Pag may event, mine-makeup-an ako pero ako lang sa sarili ko, hindi ako marunong mag-makeup. Sobrang bobo ko talaga sa makeup, mahilig lang ako manamit, pero 'di ako mahilig mag-ayos."
Dagdag pa ng aktres, "wala akong nilalagay sa skin ko, pinakanaaalala ko nang nilalagay is lotion, parang normal lang naman 'yun? Wala rin kong nilalagay a body or sa face bago matulog."