
Buhay ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis ang matutunghayan sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Espesyal ito para kay Kiray dahil siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa episode na ito.
Iikot ang episode sa pagsisimula ng career ni Kiray, pati sa mga pagsubok na hinarap ng kanyang pamilya. Bukod dito, mapapanood din ang buhay pag-ibig ni Kiray na puno ng ups and downs.
"Suwail ako, nakakahiya. Lagi nilang sinasabi na 'pag past na, 'pag nangyari na, matawa ka na lang pag naalaala mo. Ganoon nga, totoo nga talaga. Nakakatawa lang saka nakakahiya talaga," lahad ni Kiray tungkol sa ilang parte ng kanyang buhay na ibinahagi niya sa #MPK.
Makakasama ni Kiray sa episode si Radson Flores na gaganap bilang boyfriend ni Kiray na si Stephan, Tina Paner na gaganap bilang nanay niyang si Mama Yam at Smokey Manaloto na gaganap naman bilang tatay niyang si Papa Tani.
"Sana po panoorin niyo ang kuwento ng buhay ko sa #MPK. Ako po ay gaganap bilang Kiray Celis, as is. Sana po abangan niyo at sana mag-enjoy kayo at sana may matutunan po kayo sa aking buhay at kuwento. Maraming salamat po," ani Kiray.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand new episode na "I Am Beautiful: The Kiray Celis Story," December 2, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Panoorin naman ang pasilip ni Kiray sa episode sa exclusive behind-the-scenes video na ito: