
"Itigil [n'yo] na 'yung BODY SHAMING."
Ito ang muling panawagan ni Kiray Celis sa body shamers nang mag-post siya ng bagong bikini photos sa kanyang Instagram kahapon, May 25.
Sa kanyang post, makikita ang isang black and white photo ni Kiray, na nakasuot ng two-piece swimsuit.
Sa caption, sinabi ng Owe My Love actress, "Itigil [n'yo] na 'yung BODY SHAMING. for sure hindi mo rin gusto makakita or makarinig ng hindi magandang comment tungkol sa katawan mo.
"Kaya tigilan mo 'yang PANLALAIT MO.
"Maging proud tayo kung ano at sino tayo. CONFIDENCE IS THE KEY TO SUCCESS! Hehehe.
"Swipe left para sa tunay na filter ng photo. Epal ko [raw] sabi ng jowa ko kaya blinack and white ko."
Bago ang post na ito, may pasaring din si Kiray sa mga umano'y mga taong naiingit lang.
Aniya, "Hindi naman lahat ng naka-follow sayo, i-lalike ka. 'Yung iba, chine-check lang 'yung mga pictures mo at naiinggit kung gaano ka kasaya."
At sa kanyang pinakahuling post, isang kiss ang binigay ni Kiray para sa kanyang bashers.
Sabi pa niya sa caption, "There will be haters.
"There will be doubters.
"There will be non-believers.
"And then, there will be you, proving them wrong.
"Kiss po para sa lahat ng bashers! Masaya ako para sa inyo.
"Kaya magpopost pako ng lahat ng gusto ko. Kasi Gusto ko, happy kayo. HAHAHAHAHA."
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Kiray tungkol sa kanyang bashers. Bagamat nagiging tampulan ng pangungutya, hindi nito mapipigilan ang aktres sa kung anumang gusto niyang i-post.
Tingnan ang ilang pang celebrities na biktima rin ng body-shaming sa gallery na ito: