
Isa sa mga kaabang-abang na programa sa GMA ay ang upcoming primetime series na My Guardian Alien, na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Kabilang din sa serye sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Caitlyn Stave, Josh Ford, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Christian Antolin, Tart Carlos, at Marissa Delgado.
Sa Instagram post ni Kiray Celis, ibinahagi niya ang isang larawan kasama ang Kapuso Primetime Queen at binigyan niya ang huli ng advance Valentine's Day gift.
Ayon pa sa actress-comedienne, labis ang kanyang saya na makasama si Marian sa isang proyekto.
“Dahil nasa ibang bansa ako sa Valentine's… inagahan ko na para sa'yo My queen! Isang karangalan na makatrabaho ka at lalo na maging ate at kaibigan ka. Isa ka sa pinaka-generous at pinakatotoong taong nakilala ko. Sobrang saya ko na finally magkasama na tayo sa iisang proyekto. Mahal kita ate yan @marianrivera,” sulat niya sa caption.
Sa comments section, sinabi naman ni Marian kay Kiray, “Sweet ♥️♥️♥️”
Bukod dito, ipinasilip ni Marian sa kanyang Instagram story ang taping ng kanyang pagbibidahang serye.
PHOTO COURTESY: marianrivera (IG)
SAMANTALA, ALAMIN ANG MGA NAGING SAKRIPISYO NI MARIAN RIVERA PARA SA KANYANG ROLES SA GMA TELESERYES SA GALLERY NA ITO.