GMA Logo Kiray Celis
Source: kiraycelis (Instagram)
Celebrity Life

Kiray Celis, ibinida ang bagong hairstyle

By Jimboy Napoles
Published February 13, 2022 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis


Ang haba ng hair ni Kiray Celis!

Marami na ang nagsabing "ang haba ng hair" ng aktres na si Kiray Celis dahil sa kanyang achievements, masayang pamilya, at love life. Ngayon, literal na mas pinahaba pa ng aktres ang kaniyang buhok sa bagong hairstyle.

Sa Instagram, ibinida ni Kiray ang kaniyang bagong gawang long black and shining hair.

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

"New hair kaya dapat long hair! Ang saya ko. Saka f na f (feel na feel) ko! HAHAHAHAHAHA!," caption ng aktres sa kaniyang post.

Sa ngayon ay abala rin ang young comedienne sa pagpapatakbo ng kaniyang sariling negosyo at pag-i-invest para sa kaniyang kinabukasan.

Sa isang panayam sa GMANetwork.com, sinabi ni Kiray na nag-iipon na siya bilang paghahanda sa kaniyang kinabukasan, kasama na rito ang plano ng pagbuo ng sariling pamilya.

"Para ready na rin ako na kung ano man ang mangyari sa sarili ko and kung gusto ko na magka-family balang araw ay ready ako, mayaman na ako kapag nagka-anak ako," aniya.

Samantala, mas kilalanin pa si Kiray sa gallery na ito: