
Maraming fans ang napatawa ni Kiray Celis sa Tiktok video na ibinahagi niya sa Facebook kasama ang aktor na si Derek Ramsay.
Makikita sa video ang sweet na paghahabulan nina Kiray at Derek sa beach, gayundin ang pagkarga at paghiga nilang dalawa sa buhanginan.
Ang video na ito ay mga eksena sa pelikulang pinagsamahan nina Kiray at Derek, ang Love is Blind (2016).
Ayon kay Kiray na proud siyang naitambal kay Derek bago pa ang nobya nitong si Ellen Adarna.
"Sorry Ellen, nauna talaga ako. BUWAHAHAHA!" natatawang sabi ni Kiray.
Dagdag pa ng aktres, "Ellen, una siyang naging akin."
Habang isinusulat ito, mayroon nang 72,000 reactions, 2,200 comments 2,300 shares at 787,000 views ang video.
Ibinahagi naman sa comment ng ilang netizen ang pagsuporta kina Derek at Kiray.
"Ellen Adarna left the group," ani ni Akisha.
Sabi naman ng isa pang netizen, "HAHAHA 'yung natawa ka na, kinilig ka pa. Ano bayarnnn sana all kinakarga sa dagat."
Samantala, tingnan ang sexy photos ni Kiray Celis sa gallery na ito: