GMA Logo Kiray Celis
Celebrity Life

Kiray Celis, ipinasilip ang iba pa niyang collections sa kanyang room tour

By Cherry Sun
Published January 25, 2021 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis


Pinangalanan din ni Kiray Celis ang mga artistang nagregalo sa kanya ng kanyang kama at cabinet. Panoorin ang kanyang vlog dito.

Alam ng netizens ang pagkahilig ni Kiray Celis kay SpongeBob SquarePants. Ngunit maliban sa paborito niyang animated cartoon character na ito ay may iba pang kinahuhumalingan ang Kapuso actress. Iyan ang kanyang ipinasilip sa kanyang room tour.

Kiray Celis

Ginawan ng Owe My Love star ng isang vlog ang kanyang kwarto at collections.

Sa simula pa lang ay pansin na pagiging sentimental ni Kiray sa pagtago at pag-iingat ng mga litrato. Sa kanilang hagdanan ay makikita ang kanyang framed photos na mula raw sa make-over na ginawa sa kanya ni Fanny Serrano. Makikita rin sa labas ng kanyang kwarto ang mga litrato ng kanyang pamilya at pati na ang ilang polaroid photos.

Ipinasilip din ng komediyante ang kanyang mga paboritong sapatos at pati na ang kanyang cabinet. Aniya, meron lamang siyang mga paboritong isuot at ipinamigay na niya noon ang ilang niyang sapatos at pati na ang ilang damit sa kanyang mga kamag-anak at pati na sa kanyang fans.

Maliban kay SpongeBob, inamin ni Kiray na mahilig din daw siya sa Disney character na si Stitch. Pinagpilian daw niya kung aling karakter ang ilalagay sa kanyang bed frame ngunit naisip niya, mahirap gayahin ang tenga ng huli.

Wika niya, “Parehas ko silang favorite. Wala akong mas favorite kasi pareho silang cute. As in super, super fan nila ako.”

Pagpasok naman ng kanyang kwarto ay agad na ikinuwento ni Kiray ang kanyang pagkahilig sa unan. Dagdag pa niya, ang headboard ng kanyang kama ay regalo sa kanya ni Maricel Soriano.

Pag-alala ng aktres, “Bigay siya sa akin ni Nanay noong panahon na sabi ko nagpapagawa ako ng bahay. Tapos sabi niya, 'Sige, ano gusto mong regalo?' Sabi ko, 'Nay, gusto ko ng kama.' Tapos eto na 'yun, eto na 'yung SpongeBob na kama ko. Thank you, nanay! Super thank you!”

Samantala, ang kanyang SpongeBob na cabinet ay nagmula naman kay Ogie Alcasid.

Kuwento ni Kiray, “Ito naman ang aking SpongeBob na cabinet at gift naman ito sa akin ni Tatay Ogie Alcasid. Thank you, tatay! I love you, I love you and I miss you so much!”

Pag-amin din niya, mahilig siya sa dried flowers, diffusers, at perfume.

Panoorin ang kanyang vlog dito:

Silipin ang iba pang bahagi ng kanyang tahanan sa gallery sa ibaba:

Silipin din ang collections ng paborito niyong Pinoy celebrities sa gallery sa ibaba: