GMA Logo Kiray Celis
Photo by: Kiray Celis
Celebrity Life

Kiray Celis, ipinasilip ang naging taping para sa 'Stories From the Heart: Love on Air'

By Aimee Anoc
Published December 13, 2021 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis


Hindi naiwasang maging emosyunal nina Kiray Celis at Psalms David sa pag-alis sa lock-in taping.

Ipinasilip ni Kiray Celis ang naging taping niya para sa 'Stories From The Heart: Love On Air.'

Sa kanyang latest vlog, ipinakita ni Kiray kung ano ang karaniwang ginagawa ng mga artista sa lock-in taping.

Ibinahagi rin ng aktres ang lungkot na naramdaman habang mag-isang naka-quarantine sa hotel hanggang sa pagtatapos ng kanyang parte sa istorya.

"Hindi masayang mag-quarantine mag-isa, sobrang nakakabagot. Lahat maiisip mo. Buti na lang may mga K-drama na, tv, phone, video call, group chat, 'yun talaga 'yung nakakapagpabuhay sa akin," kwento ng aktres habang naka-quarantine sa hotel bago pumasok sa lock-in taping.

Ilan sa mga eksenang ipinasilip ng aktres ay ang guesting niya sa radio show nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, ang panloloko sa kanya ni Anjo Damiles, at ang paghaharap nina Sunshine Cruz at Jason Francisco.

Ginagampanan ni Kiray ang palabang karakter ni Meanne Rivera at ang matalik na kaibigan ni Gabbi Garcia.

Hindi naman naiwasang maging emosyunal nina Kiray at Psalms sa kanilang pamamaalam sa serye. Maging si Gabbi ay nalungkot din sa kanilang pag-alis sa lock-in taping.

Mapapanood ang 'Stories From the Heart: Love on Air' Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm pagkatapos ng 'Las Hermanas.'

Samantala, tingnan ang behind-the-scenes sa set ng 'Stories From the Heart: Love On Air' sa gallery na ito: