
Nagpa-parlor games si Kiray Celis sa kanyang tatlong pamangkin bago sorpresahin ang mga ito ng kanyang bonggang regalo.
Ipinakita ni Kiray sa kanyang vlog ang kanyang inihandang palaro para kina Harshwish, Rizkwish at Lucian, mga anak ng kanyang mga kapatid. Aniya, may premyo ang mananalo sa mga larong Face the Cookie, Newspaper Dance, at Coin in the Flour.
Game na game namang naglaro ang tatlong bata, at sa huli ay wagi rin silang lahat.
Ani Kiray, biro lang niyang isa ang makakatanggap ng premyo dahil lahat ay binigyan niya ng bagong laruan at pati na ng isang play set upang hindi na sila lumabas pa ng bahay para makalaro.
Panoorin ang kanyang vlog dito:
Galante na, sexy pa! Silipin ang head-turning bikini photos ni Kiray sa gallery sa ibaba: