
Matapos magbigay ng mga mamahaling alahas para sa kaniyang mga magulang, nagregalo naman ngayon ng isang motorsiklo ang aktres na si Kiray Celis sa kaniyang nakatatandang kapatid.
Kuwento ni Kiray sa kaniyang Instagram post, ang motorsiklo raw na ito ay talagang ipinangako niya sa kaniyang kuya, kaya naman masaya raw siya na maibigay niya ito ngayong Pasko.
Sabi niya sa kanyang caption, "3 months ago, binilhan ko siya ng honda click. Pero sabi ko sayo pag nakaipon nako ulit, papalitan natin agad ng mas maganda at yung gusto mo na talaga."
Dagdag pa niya,"Merry merry christmas sa kuya kong pogi. sarap talaga ng pasko mo. Ako, EGUL! HAHAHAHAHAHA!."
Kamakailan ay nagbigay din ang young comedienne ng mga bagong appliances sa kaniyang pamilya gaya ng bagong television set at dalawang air conditioner.
Samantala, mas kilalanin pa si Kiray at ang kaniyang pamilya sa gallery na ito: