
Mapapanood sa vlog ng comedienne na si Kiray Celis ang anniversary celebration nila ng nobyong si Stephan Estopia sa Boracay.
Ilan lamang sa mga ginawa nila roon ang island hopping at pagpu-food trip, ayon sa aktres.
Bukod pa rito, hindi rin pinalampas nina Kiray at Stephan na magpa-braid ng buhok sa isla. Naglipana rin ang mga tattoo studio sa Boracay kaya kinuha na ni Kiray ang pagkakataong magpa-henna tattoo roon.
Alam ni Kiray na unang-unang kokontra sa kanyang pagpapa-tattoo ang kanyang ina kaya naisipan niyang i-prank ito pag-uwi nila mula Boracay.
Lingid sa kaalaman ng nanay ng actress/vlogger, temporary lamang ang tattoo ng kanyang anak. Ang henna tattoo ay maaaring tumagal ng dalawang linggo o higit pa.
Sa vlog, mapapanood na kumbinsido ang ina ni Kiray na permanente ang tattoo nito. Pero hindi nagtagal, ni-reveal din ng huli ang katotohanan dahil sa takot sa ina.
"Nagulat ako na noong nakita ni Mama at nasuluyapan niya, talagang naniwala siya na totoo. So, success ang prank natin! Worth it naman ang binayad ko sa henna kasi naniwala naman si Mama. Short but, you know, natakot na ako agad, so inami ko na."
Panoorin dito ang reaksyon ng ina ni Kiray sa tattoo prank vlog na ito:
Samantala, kilalanin ang jowable boyfriend ni Kiray sa gallery na ito: