What's on TV

Kiray Celis on her stay with GMA: "Ang dami kong work"

By Jansen Ramos
Published April 3, 2019 1:37 PM PHT
Updated April 12, 2019 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



Very happy si Kiray Celis sa itinatakbo ng career niya ngayon lalo na at muli siyang mapapanood sa telebisyon.

Very happy si Kiray Celis sa itinatakbo ng career niya ngayon lalo na at muli siyang mapapanood sa telebisyon.

Kiray Celis
Kiray Celis

Ngayong Abril na ipapalabas ang kaniyang first soap sa GMA na pinamagatang Love You Two na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Kinumusta ng GMANetwork.com si Kiray sa blogcon ng indie film na Portrait of My Love kamakailan at aniya, excited na siyang muling makatrabaho ang direktor ng serye na si Irene Villamor at ang aktor na si Gabby Concepcion.

"Very happy and excited ako na makakatrabaho ko ulit si Direk kasi nakatrabaho ko na siya before nung 'di pa ko lumilipat. So, nung pagkalipat ko, sila-sila pa rin nina Papa Gabby na nakasama ko na sa iba pang pelikula. Ang saya lang ng shoot namin," bahagi ni Kiray sa isang exclusive interview.

NEW YEAR. NEW CHAPTER. NEW WORKPLACE. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa akin, GMA ARTIST CENTER. Excited po ako sa aking bagong kabanata sa aking buhay. Salamat sa chance na binigay niyo sa akin Para mas lalo ko maipakita sa mga manunuod kung paano ko pa sila mapapasaya at mapapangiti. Kung ano pa yung di nila nakikita at kung ano pa yung kaya kong ipakita. Hangad ko lang ay trabaho at makapag pasaya ng mga tao. Kaya abangan niyo po ako sa mga guestings ko sa DAIG at ang aming upcoming show nila ms jennylyn mercado and Sir gabby concepcion at.. sa sabado po, abangan niyo po ako sa MAYNILA. 9:45am. At DEAR UGE 2:30. ngayong linggo. ❤️

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Masagana ang bungad ng taon para Kiray dahil bukod sa Love You Two, mapapanood din siya sa upcoming comedy film na Kiko En Lala at sunod-sunod din ang kaniyang guest appearances sa ilang Kapuso shows.

Pahayag niya, "Nagulat lang din talaga ko dito kasi sa GMA na ang dami kong work. Na-miss ko mag-work kasi for how many years, puro ako pelikula lang and napapanood n'yo lang ako sa TV kapag meron akong pino-promote na pelikula. So, ang saya kasi mapapanood na nila ako ulit sa TV, sobrang busy talaga."

Pero paglilinaw ni Kiray, wala naman daw siyang ginawang adjustment matapos lumipat ng istasyon kaya mabilis siyang naging komportable sa Network. "Wala namang pinagkaiba. It's just that magkaibang working place pero the people, the artists, it's just the same," saad ng 24-year-old actress.

Sa katunayan, siya pa nga raw ang nagiging daan para mailabas ang kulit ng kaniyang mga bagong katrabaho gaya ng kaniyang Love You Two co-star na si Jennylyn Mercado.

Kuwento ni Kiray, "Ate Jen is fine, tahimik kaya kinukulit ko siya palagi para mailabas ko 'yung kulit side n'ya. Dinadaldal ko siya and nakakatuwa rin naman si Ate Jen. Ang kulit din niya pero very shy type lang talaga.

Dagdag pa niya, "Yun ang nakakatuwa sa mga taong nakakasama ko, nahahawaaan ko sila agad-agad."