
Masayang ibinahagi ni Kiray Celis sa Fast Talk with Boy Abunda ang kuwento sa likod ng pagbibigay niya ng isang milyong piso sa kaniyang inang si Merriam Celis, na matatandaang nag-viral kamakailan sa social media.
Sa pagsalang ni Kiray sa isang interview kasama ang TV host na si Boy Abunda, isa sa kanilang napag-usapan ay ang relasyon ng kaniyang pamilya sa kaniyang boyfriend na si Stephan Estopia.
Dito, naikuwento ni Kiray ang pagbigay niya ng isang milyong piso sa kaniyang ina. Ayon kay Kiray, iba talaga ang nagagawa ng pera dahil bago niya sorpresahin ng pera ang kaniyang ina ay hindi siya pumayag na lumabas ang komedyante kasama ang boyfriend. Pero tila nagbago raw ang isp ng kaniyang ina nang matanggap na ang pera.
Kuwento ni Kiray, “Bago ko bigyan ng one million, [sinasabi ng mama ko] bawal kayong lumabas ha, kayong dalawa bawal, bawal.”
“Nu'ng nabigyan ko na ng one million, Tito Boy, sabi niya, 'Kelan kayo magpapakasal?' Ganun, iba nagagawa ng pera,” masayang sinabi ni Kiray na nagpahalakhak kay Boy.
Dagdag pa niya, “Mukhang pera talaga mama ko, hindi, proud ako mukhang pera mama ko.”
Pero paglilinaw naman ng young comedienne-actresss, “Seryoso 'yan, ang mga nanay, mga mukhang pera. Kasi sila ang nagpo-provide para sa buong pamilya.
“Sila ang nagha-handle ng [pambili ng] pagkain, kung nangungupahan, [pambayad ng] upa, 'di ba? Ganun ko iniidolo ang mama ko pagdating sa pera kasi kaya niyang dalhin ang buong pamilya.”
Nilinaw din ni Boy ang sinabi ni Kiray. Aniya, “Masakit pakinggan 'yung mukhang pera, mahalaga ang pera sa mga nanay because they take care of the home.”
Matapos ito, ibinahagi naman ni Kiray kung saan gagamitin ng kaniyang ina ang natanggap na isang milyong piso.
Aniya, “Kasi po this year nabigyan ko ng dalawang lote 'yung mama ko, and 'yung dalawang lote na 'yun... 'Yung una napagawa niya agad, so naghihintay lang siya ng pera para mapagawa 'yung bagong lote, so 'yan na. Pero hindi pa 'yun sabi nga ng mama ko kulang pa raw e, actually kulang naman po talaga 'yun para sa pagpapagawa.”
SILIPIN ANG MGA LARAWAN NI KIRAY BILANG ISANG MAPAGMAHAL NA ANAK SA GALLERY NA ITO: