
Masayang-masaya ang Kapuso comedienne-actress at celebrity entrepreneur na si Kiray Celis sa muli nilang pagkikita ng kaniyang “Mama” at It's Showtime host na si Vice Ganda.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kiray ang larawan nila ni Vice na nakayakap pa sa isa't isa at tuwang-tuwa sa kanilang mini reunion.
“Mula noon, hanggang ngayon… ang unang anak mong babae, mahal na mahal kita mama ko @praybeytbenjamin,” caption ni Kiray sa kaniyang post.
SILIPIN ANG PAGIGING MABUTING ANAK NI KIRAY DITO:
Naging magkatrabaho noon sina Kiray at Vice sa comedy films na Girl, Boy, Bakla, Tomboy noong 2013, at sa The Super Parental Guardians noong 2016.
Samantala, kasama naman si Kiray sa much-anticipated comeback series ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na may working title na Against All Odds.
Mapapanood naman si Vice noontime show na It's Showtime sa GTV.