
Maraming netizens ang natutuwa sa pagiging mapagmahal at mapagbigay na anak ng aktres na si Kiray Celis para sa kanyang pamilya. Sa katunayan, kamakailan nga ay nagbigay siya ng mamahaling alahas at bagong motorsiklo sa kanyang magulang at nakatatandang kapatid.
Aminado si Kiray na naglalaan daw siya ng budget para sa kanyang mga magulang pero ngayon, nagsisimula na rin daw siyang mag-ipon para sa kanyang sarili at paghahanda sa kanyang planong pagpapamilya.
Kuwento ng aktres sa GMANetwork.com, "Alam ng mga tao, lalo na 'yung mga ka-close ko talaga, like sa mga vlogs ko, kung gaano ako maging mapagbigay sa family ko to the point na wala na ring natitira for myself, lahat bigay, lahat ng maisip, sige bigay sa inyo.
"Pero ngayon sabi ko kay Mama pahingi ako kahit konti para kapag naitago ko siya, hindi ko namamalayan na may nangyayari."
Nitong mga nakaraang buwan, nagsimula na raw mag-ipon si Kiray na sinuportahan naman ng kanyang mga magulang.
Aniya, "Last month nag-save na ako for myself, kasi lahat ng pera ko sa trabaho is dumidiretso talaga sa family ko, so hopefully hanggang next year makayanan ko na mag-save para sa sarili ko."
Pinaghahandaan na rin daw ng young comedienne ang kanyang kinabukasan, kasama na plano ng pagbuo ng kanyang sariling pamilya.
"Para ready na rin ako na kung ano man ang mangyari sa sarili ko and kung gusto ko na magka-family balang araw ay ready ako, mayaman na ako kapag nagka-anak ako," ani Kiray.
Samantala, mas kilalanin pa si Kiray at ang kaniyang pamilya sa gallery na ito: