
Masasabi ng comedienne at entrepreneur na si Kiray Celis na nakahanap siya ng 'super best friend' sa katauhan ng content creator at actor na si Christian Antolin.
Sa mga nakakaalala, nagkatrabaho at naging close ang dalawa sa GMA Prime series na My Guardian Alien na pinagbidahan noon nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.
Nitong October 9, ipinagdiwang ni Christian ang kanyang birthday. Kaya si Kiray, nag-post sa Instagram ng isang sweet message para sa kaibigan na itinuturing niyang pamilya na.
Pagbati ni Kiray, “Sa aking bestfriend na super talented, super bait, super mapagbigay, super kinis, super hindi laitera at super hindi lalakero.. HAPPY HAPPY BIRTHDAY sayo @chrisantol! Mahal na mahal kita! Isa ka sa pinaka mahalaga at pinaka mamahal ko sa buhay ko.
“Btw, share ko lang sa inyo na never kami nag-away nito sa pera.”
Nakatanggap din ng special greeting si Christian Antolin mula sa Kapuso Primetime Queen na si Marian.
Source: kiraycelis (IG) & chrisantol (IG)
Nakilala si Christian bilang isang content creator at umani na ng million views ang kanyang online content. May five million followers siya sa Facebook at mahigit 3.9 million followers naman sa TikTok.
Silipin ang ilang naipundar ng sikat na internet celebrities tulad ni Christian sa gallery na ito: