GMA Logo Kirsten Gonzales and Lauren King
PHOTO COURTESY: Sparkle GMA Artist Center
What's Hot

Kirsten Gonzales, Lauren King share their inspirations to enter showbiz

By Dianne Mariano
Published April 21, 2022 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Kirsten Gonzales and Lauren King


Kabilang sina Kirsten Gonzales at Lauren King sa pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network, ang Sparkada.

Ibinahagi nina new Sparkle artists Kirsten Gonzales at Lauren King ang kanilang mga naging inspirason sa pagpasok sa showbiz industry.

Kabilang ang teen actresses sa pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network na Sparkada, na pormal nang ipinakilala sa ilang miyembro ng media kamakailan.

Ayon kay Kirsten, ang kanyang pamilya ang nagsilbing “biggest inspiration” para pasukin niya ang mundo ng showbiz.

PHOTO COURTESY: kirstengonzales_ (IG)

“My biggest inspiration po in entering showbiz would be my family. Matagal ko na pong pangarap na maging artista and my family, they did everything and wala na po silang ginawa kundi bigyan ako ng pagmamahal at suporta sa mga gusto ko pong gawin,” pagbabahagi ng aktres sa ginanap na media conference.

Dagdag pa niya, “And being an artist, I need motivation po and having a good support system is motivating me more to pursue my career and do better in everything I do. I'm very thankful na God gave me such a good family and a good support system to do whatever I love.”

Para naman kay Lauren, ang television series na Hi-5 ang kanyang naging inspirasyon noong bata pa lamang siya.

PHOTO COURTESY: k_lauren08 (IG)

Kuwento ng Fil-Aussie, “After po no'n, palagi na akong nagpa-practice mag-isa, nag-a-acting, and napansin po 'yun ng mommy ko. Kaya in-encourage n'ya po ako na mag-audition at ayun nakuha nga po ako rito so very thankful ako and lalo na si mommy.

“Sobrang proud niya sa akin and sobrang masaya ako kasi magkasama namin tinutupad 'yung mga pangarap namin sa buhay.”

Bukod kina Kirsten at Lauren, kabilang din sa Sparkada sina Saviour Ramos, Jeff Moses, Anjay Anson, Michael Sager, Vince Maristela, Kim Perez, Raheel Bhyria, Larkin Castor, Sean Lucas, Roxie Smith, Cheska Fausto, Vanessa Peña, Caitlyn Stave, Dilek Montemayor, at Tanya Ramos.

Ang 17 young and fresh faces ng Sparkada ay handpicked ng acclaimed star maker na si Johnny “Mr. M” Manahan.

Kilalanin ang mga miyembro ng Sparkada sa gallery na ito: