
Simpleng selebrasyon lang ang mangyayari sa ika-21 kaarawan ng aktres na si Kisses Delavin bukas, May 1.
Give Me 5: Kisses Delavin's Dream Kapuso Co-stars
Ayon kay Kisses, kakain lang siya ng cake at ang favorite niyang ulam na adobo na luto ng kanyang ama.
“Well, ise-celebrate ko 'yung birthday ko, I will wake up, and then siguro kakain ng cake, and then kakain ng adobo, kasi paborito ko po 'yung luto ng daddy ko na adobo,” kuwento ni Kisses nang makausap ng Unang Hirit.
Dagdag pa ni Kisses, busy siya ngayong quarantine sa pagbabasa ng mga libro at pagluluto.
Saad niya, “Mga pinagkakaabalahan ko po dito sa bahay ay nagbabasa ang books and then nag-aaral pa minsan minsan sa course ko sa college and nag-aaral mag-luto.”
Kasalukuyang nag-aaral ng Accountancy si Kisses sa De La Salle University.
Panoorin ang buong panayam ng Unang Hirit kay Kisses:
Filipino celebrities who spend their birthdays during the enhanced community quarantine period