GMA Logo klarisse de guzman and will ashley
Source: Will Ashley
What's Hot

Klarisse de Guzman at Will Ashley, magkasama sa 'Bar Boys: After School'

By Marah Ruiz
Published July 17, 2025 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

klarisse de guzman and will ashley


Magkasama na sa trabaho ang "Nation's Mowm" at "Nation's Son" para sa pelikulang 'Bar Boys 2.'

Bahagi na rin ng pelikulang Bar Boys: After School ang singer at ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Klarisse de Guzman.

Ito ang much-awaited sequel ng 2017 comedy drama film na Bar Boys, na written and directed ni Kip Oebanda.

Sa Instagram story ni Will, ipinakita niya ang kanyang larawan kasama si Klarisse. Ito ay ini-repost din ng huli sa Instagram story.

Kasunod nito, ipinakita ni Will ang ilang kuha mula sa director's monitor, kung saan makikita siya at si Klarrise sa isang eksena.

Nagpahiwatig din si Will na magkasama sila ni Klarisse bilang co-actors sa sikat na Instagram channel nila na Yoma Akus.

Ani Will, "May kasama akong artista," pagkatapos ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Klarisse na magkasamang nagpapahinga sa kama.

Ayon sa CinemaBravo, gaganap si Klang bilang breadwinner na kapatid ng isang law student. Habang si Will ay gaganap naman bilang working student na sinisikap makapagtapos ng law.

Bukod kina Klarisse at Will, bahagi rin ng pelikula sina Glaiza De Castro, Royce Cabrera, Bryce Eusebio, Therese Malvar, at Sassa Gurl.

Magbabalik din sina Kean Cipriano, Enzo Pineda, at Rocco Nacino para i-reprise ang kanilang mga karakter.

Samantala, tingnan ang pagsasama ng ilang mga Kapuso at mga Kapamilya sa pelikula rito: