
Labis na nasorpresa ang Kabataang Pinoy housemates sa pagdating ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemate na si Klarisse De Guzman.
Sa confession room ni Big Brother, masayang ibinahagi ng housemates ang naramdaman nila sa pagpasok ni Mowm/Ate Klang sa Bahay Ni Kuya.
Pahayag Joaquin Arce, “Fan po ako ng past Pinoy Big Brother season kaya na-starstruck po ako nung nakita ko po si Ate Klang or Ate Klarisse.”
Bukod sa kanya, happy din si Heath Jornales sa pagdating ng bagong houseguest.
“Na-surprise po ako and ang saya ko po Kuya dahil ex-housemate po si Ate Klarisse,” sabi ni Heath kay Big Brother.
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, ipinakita na ang isa sa tasks ni Klarisse sa Big Brother House ay ang paborito niyang gawin noon- ang pagluluto para sa housemates.
Si Klarisse ay kilala bilang PBB's Nation's Mom dahil sa mala-mommy at children relationship niya sa mga nakasama niya noon sa Bahay Ni Kuya gaya nina Will Ashley, Shuvee Etrata, Esnyr, at Mika Salamanca.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.