
Usap-usapan online ang latest post ng singer na ngayon ay isa na ring actress na si Klarisse De Guzman.
Kasunod ng pagpapalabas ng intense na last scene niya sa The Secrets of Hotel 88, nagpaalam na siya sa karakter niya sa serye na si Monette.
Bukod sa pagpapaalam, may makulit ding mensahe si Klarisse sa karakter ni Christian Vasquez na gumaganap bilang si Sandro na naging dahilan ng kanyang pagpanaw.
“Fly high, butterfly #Monette. Magbuhol-buhol pa sana lalo buhok mo, Sandro,” sulat ni Klarisse sa caption.
Mababasa sa comments section na napa-react ang ilang co-stars ng Star Magic artist sa pagkamatay ni Monette.
Mensahe ni River Joseph na napapanood sa serye bilang si Leon, “Sabi ko sa'yo [Ate Monette] umalis ka na eh.”
“@riverjoseph tigas kasi ng ulo mo, Leon!! Sa inidoro ka pa talaga tumabi,” sagot ni Klarisse.
Napa-comment din sina Brent Manalo, Esnyr, at Mika Salamanca na napapanood din sa The Secrets of Hotel 88.
Related gallery: Meet the cast of The Secrets of Hotel 88
Ang viewers ng serye at fans ni Klarisse, nalungkot sa nangyari kay Monette at karamihan umano sa kanila ay talagang naiyak sa eksena.
Si Klarisse ay isa sa mga ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kung saan nakilala siya bilang Kwelang Soul Diva ng Antipolo.
Patuloy na tumutok sa suspense collab series na The Secrets of Hotel 88.
Ipinapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.
Napapanood na rin ang serye sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.
Related video: AZ Martinez, Ralph De Leon react to positive feedback on their 'The Secrets of Hotel 88' scenes | Online Exclusive