
Lalong dumadami ang dapat abangan sa huling dalawang linggo ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa episode ngayong gabi, February 14, lilikom ng pera sina Isagani (Kim de Leon) at iba pang mga kaibigan ni Basilio (Khalil Ramos) para matulungan ito sa pagtubos kay Juli (Pauline Mendoza).
Bibisita rin si Simoun (Dennis Trillo) kay Kabesang Tales (Arnold Reyes) na may dalang kakaibang alok.
Samantala, magkakaroon naman ng 'di pagkakaunawaan sina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco). Ano kaya ang sanhi ng una nilang tampuhan?
Abangan 'yan sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAKAKAKILIG NA EKSENA SA PAGITAN NINA KLAY AT FIDEL SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: