GMA Logo Klea Pineda and Hipon Girl Harlene Budol
Celebrity Life

Klea Pineda at 'Hipon Girl' Herlene, hataw sa pag-rap ng 'Levitating' ni Dua Lipa

By Aimee Anoc
Published July 8, 2021 8:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda and Hipon Girl Harlene Budol


Hala hataw! Iba talaga ang kulit pag nagsama sina Klea Pineda at Hipon.

Todo sa pag-rap sina 'Hipon Girl' Herlene Budol at Klea Pineda sa kantang 'Levitating' ni Dua Lipa, sa video na ibinahagi ni Klea sa Instagram.

Enjoy na enjoy ang dalawa sa pagkanta habang nasa isang kuwarto kung saan halatang nag-kukulitan sina Klea at Herlene. Salitan nilang kinanta ang 'Levitating' at talaga namang nakakahawa ang good vibes na hatid ng dalawa.

Isang post na ibinahagi ni Klea Pineda (@kleapineda)

Sa comments section hindi napigilan nina Kim Rodriguez at Sef Cadayona na mag-react sa video.

Klea Pineda at Hipon Girl Herlene

Marami rin ang natuwa sa post ni Klea at sinuportahan ang kakulitan nilang dalawa. Ani pa ng ilang netizens, talaga namang cute at astig vibes ang hatid nang pag-rap ng dalawa.

Klea Pineda at Hipon Girl Herlene

Naging co-host ni Willie Revillame si Herlene sa 'Wowowin,' ngunit kamakailan na natsismis si Herlene na buntis at si Willie raw ang ama. Pero walang anumang makikitang palatandaan na totoo ang mga bali-balita base na rin sa video.

Binatikos din ni Willie ang naturang balita at sinabing, "Natsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo 'yan. Puro fake news ang ginagawa niyo."