What's Hot

Klea Pineda, balak sumali sa beauty pageants at pumasok sa aviation school

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 5, 2021 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Ayon kay Klea Pineda, isa sa mga pangarap niya ang makoronahan bilang isang beauty queen.

Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Klea Pineda dahil natupad ang kanyang pangarap na maging artista nang manalo siya sa StarStruck Season 6 noong 2015.

Sa pagre-renew ni Klea ng kontrata sa GMA Artist Center, hindi niya napigilan maging emosyonal nang magpasalamat siya sa GMA Network.

"Hindi ko talaga inaasahan ako na mabibigyan ako ng chance na maging artista dahil pangarap ko lang siya nung bata ako," pag-amin ni Klea sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

"And ngayon, nagkakatotoo na siya, ginagawa ko na siya.

"Kaya kada show na ibinibigay sa akin, talagang ginagawa ko 'yung best ko para magawa ko nang tama."

Ngayong artista na siya, gusto namang tuparin ni Klea ang iba pa niyang pangarap tulad ng pagiging beauty queen at pagiging piloto.

Naghahanda na si Klea sa kanyang pagpasok sa aviation school pero nangako siya na sasali siya sa beauty pageant sa mga susunod na taon.

Saad niya, "Isa 'yun sa mga pangarap ko, makoronahan. Hindi pa rin siya nawawala sa pangarap ko sa buhay."

Isang post na ibinahagi ni Klea Pineda (@kleapineda)

Mapapanood muli si Klea sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye, malapit na sa GMA Afternoon Prime.