GMA Logo Klea Pineda
Source: kleapineda (IG)
What's on TV

Klea Pineda bids goodbye to her character in 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia
Published April 3, 2021 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Malaki ang pasasalamat ni Klea Pineda sa kanyang mga taga-suporta na sumubaybay at nanood ng finale episode ng 'Magkaagaw.'

Noong Miyerkules, March 31, pormal na nagpaalaam si Kapuso actress Klea Pineda sa kanyang karakter sa GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw nang ipalabas ang finale episode nito.

Kaya naman sa Instagram, hindi napigilan ni Klea na pasalamatan ang lahat ng mga sumuporta sa kanya sa kanyang first mature role sa Kapuso network.

“Masaya ako na ginampanan ko ang buhay mo, Clarisse Almonte. Sobrang dami kong natutunan sa'yo!” aniya sa post.

“You made me challenge all my capabilities as an actor. Maraming beses na tinanong ko sa sarili ko kung kaya ko ba talaga, pero dahil sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin, nagawa ko naman ang dapat kong gawin.”

Dagdag pa n'ya,” Hindi naging madali ang lahat pero maraming salamat ulit sa'yo Clarisse Almonte! Hinding hindi kita makakalimutan, ikaw ang naging isa sa mga rason bakit ko minahal ang pagiging aktor!

“Sa lahat po ng sumubaybay, sumuporta, at tumangkilik sa MAGKAAGAW, lubos po ang aking pasasalamat sa inyong lahat. Mahal ko kayo!

“Clarisse Almonte is now signing off…”

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda)

Sa naganap na finale ng high-rating GMA Afternoon Prime series, nakita ang pagwawakas ng matagal na hidwaan na namamagitan kina Laura at Veron, na ginagampanan ng mga premyadong aktres na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz.

Dito nakita rin ang pag-aayos ng relasyon ng mag-asawang Clarisse at Jio (Jeric Gonzales) matapos ang panloloko ng huli sa kanyang asawa na isa pala sa mga plano ni Veron para makaganti kay Laura.

Balikan ang naging ending ng Magkaagaw dito:

Kung nag-enjoy kayo sa panonood ng Magkaagaw, maari n'yong balikan ang full aired episodes nito sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Samantala, tingnan ang ilan sa sexiest photos ni Klea Pineda sa gallery na ito: