GMA Logo Klea Pineda
What's on TV

Klea Pineda bilang 'Golden Eye,' abangan sa Bolera!

By Dianne Mariano
Published June 27, 2022 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Mga Kapuso, huwag n'yong palampasin ang pagganap ni Kapuso actress Klea Pineda bilang 'Golden Eye' sa 'Bolera.'

Ngayong Lunes, makikilala na si Golden Eye, ang isa sa pinakamatinding makakalaban ng ating Bolera na si Joni, na ginagampanan ni Kylie Padilla.

Bibigyang-buhay ni Kapuso actress Klea Pineda ang palaban na karakter ni Golden Eye.

PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)

Ayon sa StarStruck Season 6 Ultimate Female Survivor, tinanggap niya ang role sa Bolera dahil gusto niyang mag-explore ng iba pang roles.

“Binibigyan ko rin ng chance 'yung sarili ko na mag-explore ng iba't ibang klaseng character, iba't ibang klaseng role. Sabi ko naman sa sarili ko, gusto ko maging flexible na actor,” kuwento niya sa “Chika Minute” ng 24 Oras.

Patuloy niya, “Ikaw 'yung magma-maltrato. Hindi kasi siya 'yung kontrabida. Ako si Golden Eye dito, kalaban ni Kylie sa billiards [at sa mga] tournament."

Ibinahagi rin ng Sparkle actress na mayroon siyang experience sa billiards dahil nag-aral siyang maglaro nito noong kasagsagan ng lockdown.

Aniya, “Nung nag-pandemic, napag-usapan lang ng papa ko at saka ng cousins ko na mga lalaki na since wala naman tayo ginagawa, stuck tayo lahat sa bahay, bakit hindi tayo bumili ng billiards para may pagkaabalahan tayo.

“Nakakatuwa na pagdating ko dun sa set ng Bolera, may idea na ako kung paano 'yung tayo dapat. Kung paano 'yung hawak ng tako.”

Subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.

Samantala, kilalanin ang cast ng Bolera sa gallery na ito.