GMA Logo Klea Pineda
What's Hot

Klea Pineda, inamin na naging biktima siya ng body shaming

By Dianne Mariano
Published October 8, 2021 9:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Ayon sa balita ng '24 Oras,' may pagkakataon na nagkaroon ng self-doubt si Kapuso star Klea Pineda dahil sa body shaming.

Matapos ang kanyang napakagandang beach getaway, pursigido ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye star na si Klea Pineda sa kanyang fitness goals at inamin na naging biktima ito ng body shaming.

Ayon sa report ni Cata Tibayan ng 24 Oras, isa sa mga agenda ng aktres ay ang pagbabalik sa gym para mas palakasin ang kanyang pangangatawan.

Nakaramdam rin daw si Klea ng self-doubt dahil sa mga nakakasakit na komento mula sa body shamers.

“Nitong mga nakaraang months, nawala yung self-esteem ko, self confidence ko. Nawala 'yon sa akin and 'yon yung isa sa mga naging problem ko na nagkaroon ako ng slight depression,” pagbahagi ng Klea.

Dagdag pa niya, “Ang hirap sa totoo lang na makabasa ng gano'n. Humahanap sila [body shamers] ng butas para hilain pababa yung kapwa babae nila o kapwa tao nila. Bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa isa't isa?”

Bukod dito, taos-puso naman ang pasasalamat ni Klea para sa supporters ng nalalapit na mini-drama series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye kung saan makakatambal niya si Kapuso hunk Jak Roberto.

Ayon sa aktres, mahirap raw ang pagsusuot ng prothestics ngunit worth it lahat ng pagod at hirap na ginawa niya para sa show na ito.

Mapapanood na ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye sa October 18 sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan ang sexiest looks ni Klea Pineda sa gallery na ito: