GMA Logo Klea Pineda, Jak Roberto, Jeric Gonzales
Source: jakroberto, jericgonzales07 (Instagram)
What's on TV

Klea Pineda, inaming naka-date noon sina Jak Roberto, Jeric Gonzales, at Andre Paras

By Jimboy Napoles
Published March 20, 2023 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda, Jak Roberto, Jeric Gonzales


Klea Pineda inaming sinubukang makipag-date noon sa mga lalaki kasama sina Jak Roberto, Jeric Gonzales, at Andre Paras.

Matapos ang naging pag-amin ni Klea Pineda tungkol sa kaniyang kasarian bilang isang lesbian, ibinahagi rin ng aktres na minsan na rin niyang sinubukan na makipag-date sa mga lalaki -- kasama na rito ang Kapuso actors na sina Jak Roberto, Jeric Gonzales, at Andre Paras.

Masaya ang naging kuwentuhan nina Klea at TV host na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes kung saan napag-usapan ng dalawa ang makulay na buhay ng aktres at ang naging buhay pag-ibig nito noong hindi pa siya nag-out sa publiko.

Ayon kay Klea, sinubukan niya rin noon na makipag-date sa mga lalaki pero lahat ng ito ay hindi umabot sa isang relasyon.

Kuwento niya, “Mayroong time Tito Boy na talagang nag-try talaga ako. Siyempre nandoon 'yung baka puwede pa. Siguro mga three or four guys ang na-date ko pero dating lang never po umabot sa relationship kasi hindi talaga Tito Boy [kasi] 'yung happiness Tito Boy sobrang kulang.”

Para kay Klea, iba ang nararamdaman niyang saya kapag babae ang kaniyang nakaka-date at nakakarelasyon.

Aniya, “Hindi naman sa sinasabi ko na hindi ako sumaya na nakipag-date ako sa guys na 'to pero may kulang. Hindi mo ma-pinpoint kung alin pero may kulang pero whenever makikipag-date ako sa girls or magkakaroon ako ng girlfirend, iba 'yung saya ko.”

Matapos ito, masaya namang inusisa ni Boy kung sino ang mga lalaking minsang naka-date ni Klea. Game naman itong pinangalanan ng aktres.

“After StarStruck nandiyan kaagad si Jak Roberto. Ilang months din kaming nag-date ni Jak, Tito Boy, ilang months din and umabot din sa point na pinakilala ko rin siya sa family ko,” paglalahad ni Klea.

Bukod kay Jak, inamin din ni Klea na naka-date niya rin noon sina Jeric at Andre.

“Second, 'yung naka loveteam ko si Jeric Gonzales, and third, sasabihin ko ba 'yung third… hindi official na nanligaw, or nag-try pero lumabas kami many times, si Andre Paras,” saad ni Klea.

“Sino ang pinakamalambot ang lips?” tanong naman ni Boy kay Klea.

“O, my God sa Lips? Si Andre,” nakangiting sinabi ni Klea na mas lalong nagpatili sa crew sa studio.

Kuwento pa ni Klea tungkol kay Andre, “Open ako kay Andre about my sexuality, and nagkakaroon ako ng girlfriend. Hindi naman ako naka-feel sa kaniya ng kahit anong judgment and bihira lang 'yung guy na kapag nalaman nilang ganun na walang negative reactions.”

Gaya kay Andre, naging maayos din ang relasyon nila nina Jak at Jeric kahit pa alam ng mga ito ang tungkol sa kaniyang kasarian.

“Si Jak lately niya lang nalaman…sabi ni Jak, 'Ikaw baka pinag-eksperimentohan mo lang ako,' something like that tapos sabi ko, 'Sorry Jak, triny ko talaga pero sorry,” masayang sinabi ni Klea.

“Hindi ko nasabi kay Jeric directly pero alam ko na alam niya, pero wala rin naman akong na-feel na dinisrespect niya ako or what,” anang aktres.

Samantala, mapapanood si Klea sa GMA Afternoon Prime series na AraBella.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG GLOW-UP TRANSFORMATION NI KLEA PINEDA SA GALLERY NA ITO: