GMA Logo Klea Pineda, Joshua Dionisio, at Aleck Bovick
What's Hot

Klea Pineda, Joshua Dionisio, at Aleck Bovick, bibida sa "Pusang Itim" episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published May 19, 2022 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two people killed in Brown University shooting —mayor
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda, Joshua Dionisio, at Aleck Bovick


Naniniwala ka ba sa pamahiing malas ang pusang itim? Panoorin ang kakaibang kwentong handog ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Tampok ngayong Sabado sa "Pusang Itim" episode ng Wish Ko Lang ang pamahiin tungkol sa itim na pusa, na dahilan diumano ng "kamalasang" nangyari sa buhay ng isang pamilya.

Sa teaser na inilabas ng Wish Ko Lang na mayroon nang mahigit 2.2 million views, mapapanood ang sunod-sunod na aksidenteng dumating sa isang pamilya dahil diumano sa pusang itim.

Sa episode na ito, gaganap sina Aleck Bovick (Corazon) at Biboy Ramirez (Joseph) bilang mga magulang nina Klea Pineda (Charito) at Joshua Dionisio (Jerry). Makakasama rin nila rito sina Migs Villasis at Mark Dionisio.

Huwag palampasin ang "Pusang Itim" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang sexiest photos ni Klea Pineda sa gallery na ito: