
Ibinahagi ni Kapuso actress Klea Pineda na lubos ang kanyang pasasalamat nang malaman niya na siya ay isa sa mga pangunahing karakter sa bagong mini-drama series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
Sa eksklusibong panayam kay Klea, taos-puso ang kanyang pasasalamat dahil ito ay isang malaking pagpapala aniya.
“Siyempre nafe-feel ko sobrang grateful ako kasi isa ito sa malaking blessings na dumating sa akin this year.
“Sobrang excited ako dahil nga this is my very first TV show na gagawin and nakita ko naman yung material and yung role ko sobrang challenging siya for me,” ani Klea.
Ayon sa Kapuso actress, ngayon pa lamang niya gagampanan ang ganitong klaseng karakter at ito'y kanyang ikinatutuwa.
Aniya, “Very excited akong gawin itong show na 'to. Nabasa ko pa lang yung script.”
Ibinahagi din ni Klea na nag-message ang kanyang manager tungkol sa bagong teleserye na ito at ipinaliwanag ang gagampanan nitong role.
“Minessage ako nung manager ko, sinabihan niya ako agad na meron akong new show tapos in-explain niya sa akin yung character ko dito sa show na 'to.
“Very excited ako agad agad nung nabasa ko yung script and yung background ng character ko,” kuwento ni Klea.
Nang tanungin ang aktres kung ano ang kanyang nararamdaman nang malaman ang magandang balita, sagot niya, “Sobrang happy. Happy talaga ako and nag-pray ako agad kay Lord,” ani Klea.
Ayon sa aktres, nanghingi din siya ng sign sa Panginoon kung magsisimula na ba siya mag-aral para sa kolehiyo o ipagpapatuloy ang showbiz.
Aniya, “Nag-isip ako, nag-pray ako, sabi ko if mag start na ba ako for college, mag-enroll na ba ako for college or itutuloy ko muna itong sa show business sa industry na ito.
“Sobrang happy talaga ako and binalita ko siya agad sa mommy ko sa papa ko.”
Maliban kay Klea, kabilang din sa mga pangunahing karakter ng kaabang-abang na Stories From The Heart: Never Say Goodbye sina Kapuso actor Jak Roberto at Lauren Young.
Kasama din dito sina Snooky Serna, Herlene “Sexy Hipon” Budol, Max Eigenmann, Shermaine Santiago, Kim Rodriguez, Phytos Ramirez, Mosang, Art Acuna, at ang bagong Kapuso hunk na si Luke Conde.
Samantala, tingan ang pasasalamat ni Klea Pineda sa kanyang co-workers sa Stories from the Heart: Never Say Goodbye sa gallery na ito: