
Ibinahagi ni Kapuso actress Klea Pineda ang kanyang mensahe para sa mga taong may similar na pinagdadaanan sa kanyang karakter na si Joyce sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
Binibidahan ni Klea si Joyce Kintanar na isang breast cancer patient sa drama mini-series na ito.
Photo courtesy: gmanetwork (IG)
“Hindi ko alam kung saan magsisimula, kung saan ko sisimulan 'yung sasabihin ko sa kanila pero siguro kung ako 'yung may pinagdadaanan na gano'n, ilalagay ko 'yung sarili ko sa pamilya o do'n sa tao mismo na may kaparehas na nangyayari kay Joyce, magdadasal ako talaga. Sobrang magdadasal ako,” sagot ng aktres sa Kapuso Live Kwentuhan sa Instagram kamakailan.
Dagdag pa ng aktres na kailangan din maging matatag ang loob at laging iisipin na nandyan lamang ang Panginoon upang magbigay gabay at alaga.
Wika niya, “Kung 'yung ibang tao wala nang makitang rason para mabuhay, wala nang lakas ng loob para lumaban pa, lagi n'yong iisipin na nandyan si God para gabayan kayo at para alagaan kayo basta tatagan n'yo 'yung faith n'yo.”
Ayon sa aktres, dapat din daw ay isipin ang pamilya na patuloy lamang na lumalaban at hindi sumusuko.
Aniya, “At syempre, 'yung pamilya n'yo, napaka-unfair naman kung hindi ka lalaban habang 'yung pamilya mo nakikita mong lumalaban, habang 'yung pamilya mo nahihirapan din pero hindi sila sumusuko sayo. Ang unfair kung ikaw mismo susuko kasi sila lumalaban sila e.”
“Tatagan lang nila yung loob nila. Syempre hindi biro 'yung pinagdadaanan nila. Basta magdasal tayong lahat,” dagdag pa niya.
Isang inspirational na mensahe rin ang ibinahagi ng Kapuso star, “Kaya n'yo 'yan. Isipin n'yo mayroong rason kung bakit pa kayo nabubuhay. May rason kung bakit ngayon namulat ka pa.”
Bukod dito, isang cancer patient naman ang nagpasalamat kay Klea kamakailan dahil sa mahusay ng pagganap nito sa kanyang karakter sa “Never Say Goodbye.”
Patuloy na panoorin si Klea bilang Joyce Kintanar sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3: 25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, silipin ang lock-in taping experience ng Team Never Say Goodbye sa gallery na ito: