GMA Logo Klea Pineda
What's Hot

Klea Pineda, nais makatrabaho sina Bea Alonzo, Marian Rivera, at Dingdong Dantes

By Dianne Mariano
Published July 22, 2021 11:01 AM PHT
Updated July 22, 2021 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Ibinahagi ni Kapuso star Klea Pineda na pangarap niyang makatrabaho sina Bea Alonzo, Marian Rivera, at Dingdong Dantes.

Matapos ang kanyang contract renewal, ibinahagi ni Kapuso star Klea Pineda kung sino ang mga Kapuso artist ang nais niyang makatrabaho sa isang proyekto.

Ayon sa 22-anyos na aktres, isa sa mga pangarap niyang makatrabaho ay ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo.

“Dream Kapuso star na gusto ko maka-work talaga syempre 'yung bagong signed na GMA Kapuso na si Ms. Bea Alonzo,” ani Klea.

Isa si Bea Alonzo sa mga talagang ini-idolo ng aktres pagdating sa pag-arte.

Aniya, “Siya kasi 'yung isa sa mga nilu-look up ko dito sa show business.”

“Lalo na sa mga acting sa mga drama. Siya 'yung isa sa mga iniidolo ko na sana makatrabaho ko siya soon,” dagdag ni Klea.

Nais din makatrabaho ng dating Magkaagaw actress sa isang proyekto sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

“And syempre si Ms.Marian Rivera, of course, and Dingdong Dantes. Sila 'yung mga nilu-look up ko talaga dito sa show business,” sagot ni Klea.

Taos-pusong saya at pasasalamat naman ang nararamdaman ni Klea nang ma-renew ang kanyang kontrata sa GMA Network.

Aniya “I'm so grateful. Sobrang happy ako nung na-renew 'yung contract ko.”

“Syempre, another chance for me to prove myself and syempre para mag-enjoy dito sa industriyang ito.”

“Masayang-masaya ako syempre, matagal ko na rin itong ipinagdarasal hanggang ngayon na sana magpatuloy pa rin ako bilang isang Kapuso,” dagdag ni Klea.

Nagpapasalamat din ang aktres sa lahat ng mga sumuporta sa kanya lalo na sa “Kleanatics” na nandiyan para kay Klea simula pa noong nagwagi siya sa StarStruck Season 6.

Bibida rin si Klea Pineda sa bagong drama mini-series na pinamagatang Stories From The Heart: Never Say Goodbye kasama sina Jak Roberto at Lauren Young.

Samantala, tingnan muli ang mga sexy photos ni Klea Pineda sa gallery na ito: