
Nasa process of moving on pa ang Sparkle actress na si Klea Pineda matapos ang naging hiwalayan ni Katrice Kierulf.
Noong Hulyo, naglabas ng statement ang former Encantadia star patungkol sa breakup nila ni Katrice sa Fast Talk with Boy Abunda. Sabi noon ni Klea, “Umabot na kami sa point na gusto niyang unahin 'yung sarili niya, gusto ko rin naman unahin ko 'yung sarili ko, this time, piliin 'yung sarili ko this time. And na-realize na rin namin na hindi na kami nakakatulong sa isa't isa, parang pinu-pull down na namin 'yung isa't isa. Parang umabot kami sa ganu'n point.”
Nang muling bumisita sa Fast Talk si Klea nitong October 3 para sa guesting nila Jasmine Curtis-Smith para i-promote ang Cinemalaya 2025 entry nila 'Open Endings', nagkuwento ito kung kumusta siya matapos ang mga nangyari.
Nakapag-move on na nga ba siya?
“Paunti-unti, Tito Boy. May mga pasulpot-sulpot na feeling, ganiyan. 'Di naman bago 'yun. Normal naman 'yun after ng breakup. Pero I think nagiging better naman ako every day.”
Sa tanong kung magkaibigan pa sila, tugon agad ni Klea kay Tito Boy: “We'll get there. Parang sa ngayon, masyado pa siguro kasing fresh.”
Paglilinaw pa niya, "Hindi naman kami magkaaway. Parang wala lang siguro, sa ngayon, wala pang reason para mag-usap ulit or mag-connect kami ulit. And nirerespeto ko rin 'yung process niya, healing process niya, para sa sarili niya."
Binigyan-diin pa ni Klea Pineda na walang kinalaman ang co-star niya sa Open Endings sa hiwalayan nila ni Katrice.
"Walang third party na nangyari. 'Yun 'yung pinipilit sabihin ng mga tao online.”
Panoorin ang naging tugon ni Klea Pineda sa Fast Talk with Boy Abunda sa video below!
RELATED CONTENT: Hiwalayan sa showbusiness!