GMA Logo Klea Pineda
What's on TV

Klea Pineda on her 'Bolera' role: 'Puwede pala akong maging kontrabida!'

By Aimee Anoc
Published July 21, 2022 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


"Before sobrang takot ako tumanggap ng kontrabida role kasi parang hindi ko kayang magmaldita onscreen." - Klea Pineda

Hindi makapaniwala si Kapuso actress Klea Pineda sa mga papuring natatanggap mula sa netizens dahil sa epektibong pagganap sa kanyang kauna-unahang kontrabida role bilang si Sheena a.k.a "Golden Eye" sa sports drama series na Bolera.

Ayon kay Klea, noong una ay may takot siyang tumanggap ng kontrabida role. Kaya naman ganoon na lamang ang saya niya nang makatanggap ng positibong mga reaksyon mula sa netizens.

Klea Pineda

"So far, base sa comments ng mga tao, na-enjoy ko siya. Natutuwa ako na 'Uy! Effective pala ako.' Puwede pala akong maging kontrabida," kuwento ni Klea sa GMA Network TikTok Live noong Miyerkules, July 20, kasama ang co-star na si Jak Roberto.

Dagdag niya, "Kasi before sobrang takot ako tumanggap ng kontrabida role kasi parang hindi ko kayang magmaldita onscreen. Parang gusto ko palagi ako 'yung kinakawawa. ako 'yung inaapi.

"Pero finally, nag-decide na rin akong umalis sa comfort zone ko, siyempre 'di ba? And since iyon na 'yung nakasanayan ko bakit hindi ako mag-try ng something new. Na-enjoy ko siya sobra and natutuwa ako sobra sa mga comments ng tao kahit gigil na gigil sila sa akin.

"Halos sa lahat ng pictures, sa lahat ng videos naka-comment talaga sila ng 'Badtrip ka Golden Eye. Bakit ka ganyan kay Bolera?' So parang ako, 'Well guys, I'm so sorry kailangan ko 'to 'e, sabi ni direk.'"

Ibinahagi rin ni Klea ang karanasan sa set ng Bolera. Aniya, "Hindi mahirap pakisamahan lahat ng taong naroon. Halos lahat nag-uusap-usap. Halos lahat masaya, nagba-bonding talaga."

Patuloy na subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NI KLEA PINEDA BILANG GOLDEN EYE SA 'BOLERA' RITO: