
Beach ang favorite destination ni Klea Pineda sa tuwing may long weekends at may libreng oras siya mula sa trabaho.
Aniya, this Holy Week, naiisip din ng aktres pumunta ulit sa beach. Aniya, "Baka for sure, beach 'yan."
Dagdag pa niya, "Ako talaga 'pag may long weekend na wala akong work, beach lang talaga. Talagang susulitin mo 'yung [free time.] Kahit Subic lang 'yan, guys. Basta nasa beach ka, mare-relax ka.
Nagkuwento rin ang aktres kung alin sa kanyang mga projects ang memorable para sa kanya. Aniya, "Marami kasi, eh. Siguro, blessing kasi sa akin kada-work na nabibigay sa akin, kada-project, kada-guesting lang yan, lahat naman achievements eh."
Napapanood ang aktres ngayon sa Sirkus bilang si Sefira.