
Muling mapapanood si Kapuso actress Klea Pineda sa bagong episode ng Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Never Too Late," gaganap si Klea bilang Bernice, isang anak na laging nag-aalala sa biyuda niyang ina.
May sarili nang pamilya si Bernice kaya lagi na lang niyang binibisita ang nanay niyang si Cecilia, played by Arlene Muhlach, na mag-isa na lang sa bahay matapos mamayapa ang asawa nito.
Gusto sana ni Bernice na tumira si Cecilia kasama niya para mas maalagaan niya ito. Pero mas gustong maging independent ni Cecilia kahit pa nangungulila ito sa kanyang mga anak.
Makikilala ni Cecilia si Angelo, karakter ni Earl Ignacio, isang delivery rider. Hindi magtatagal, matutuloy sa pag-iibigan ang kanilang pagkakaibigan.
Nang malaman ni Bernice ang tungkol sa relasyon ng dalawa, hindi niya mapipigilang muling mag-alala para sa kanyang nanay.
Matatanggap ba ni Bernice ang bagong pag-ibig ni Cecilia? O hadlang ba ito para mas maalagaan niya ang kanyang ina?
Abangan 'yan sa "Never Too Late," December 11, 11:15 a.m. sa Regal Studio Presents.