What's Hot

"KMJS:" 11 katao sa Iloilo City, sinapian?

By Bianca Geli
Published August 28, 2019 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Labing-isang mga tao ang bigla na lang hinimatay sa Iloilo, ginambala raw diumano kasi nila ang isang engkanto.

Labing-isang mga tao ang bigla na lang hinimatay sa Iloilo, ginambala raw diumano kasi nila ang isang engkanto.

11 katao sa Iloilo City, sinapian?
11 katao sa Iloilo City, sinapian?

Isa na rito si Tatay Nicanor na malakas pa raw sa kalabaw, pero bigla na lang hinimatay. Nang magpatingin naman siya sa doktor, normal naman ang resulta. Ngunit patuloy pa rin ang panghihina niya. Kaya naman kumonsulta na ang kaniyang pamilya sa isang albularyo.

Kuwento ng kamag-anak ni Tatay Nicanor, “Sabi nakasagi siya riyan sa mga may punso. May pumasok daw sa kaniya na hindi parehas sa atin. Parang mga kaluluwa na pumasok sa katawan niya.”

Ang tinutukoy daw ng albularyo, ang malaking punso sa may bahay nila Tatay Nicanor. Hinala pa ng albularyo, nagpalipat-lipat daw ng sapi ang punso sa mga nakatira malapit dito.

Isa na sa mga nasapian si Eljune, kuwento niya, “Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa bahay ng lola ko. Pagpasok ko, wala namang tao. Paglabas ko, nakita ko kaagad 'yung mga taong malalaki tapos nakaitim. Noong paghiga ko sinapian ako.”

Komunsulta ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa paranormal investigator na si Ed Caluag para suriin ang kababalaghang nangyayari sa may punso.

Ayon sa kaniya, “Kung sakaling meron pa, makipag-communicate tayo na 'wag nang guluhin ang mga tao rito.”

Ano kaya ang tunay na nangyari sa mga tao sa Iloilo City, sinapian kaya talaga sila ng masamang elemento?