What's Hot

'KMJS': Abs meets tabs

By Bianca Geli
Published May 27, 2019 6:35 PM PHT
Updated May 28, 2019 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang kanilang plus-sized sa kilig na love story.

Beautiful pair! 😍

Isang post na ibinahagi ni Kapuso Mo, Jessica Soho (@km_jessica_soho) noong

Plus-sized si girl habang borta naman si guy. Sa pagkukrus sa kanilang landas, nagkadevelopan ang dalawa.

Bata pa lang si Pash, tabain na raw talaga siya.

Kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "Nung high school tinatawag akong hippopotamus kasi ang laki ko tapos 'yung mga lalaki bully pa. Ako 'yung lagi nilang napapansin. Minsan naiiyak na lang ako."

Umabot pa ng timbang na mahigit 80 kilos si Pash.

'Yung depression ko nun galing sa tanong ko kung bakit hindi ako magka-boyfriend, dahil ba ang taba ko?”

Sinubukan niya raw mag-diet pills at mag-gym pero hindi niya napapangatawanan.

Nagka-boyfriend pero nahuli niya itong nagti-text sa ex-girlfriend niya.

Kuwento ni Pash, “First time kong makahuli ng ganun, hindi ko napigilan, nasuntok ko talaga siya.

'Wag kang pumasok sa isang relasyon para lang masabi na may boyfriend ka.”

Pinanghinaan ng loob kaya ang karamay niya ay pagkain. Pero unti unting tinanggap ni Pash ang sarili.

Sa katunayan ay nagtayo pa siya ng negosyo sa pagbibenta ng plus-sized swimsuits

“Gusto ko rin maka-inspire ng ibang tao na 'wag mahiya kahit chubby sila. Kaya dapat nilang dalhin ang sarili nila,” ani ni Pash.

Unang nabighani si Ayem kay Pash nang makita niya ito sa Facebook. “May friend akong nag-share ng posts niya about body positivity at no to body shaming. Natuwa ako kasi sobrang positive at nagandahan din ako kay Pash.”

Dagdag niya, “Gusto ko siyang makilala, may interes ako. Parang pausbong na crush.”

Naka-relate rin daw si Ayem dahil kahit borta na siya ngayon, dati raw siyang patpatin. “Naranasan ko 'yung hindi ka confident sa sarili mo na parang may kulang sa'yo.”

Katagalan, naging magkaibigan si Ayem at Pash. Kuwento ni Ayem, “Lumalalim 'yung attraction mo hindi na lang tungkol sa pisikal o sa katawan. Mahilig kami parehas sa food, travel, music, 'tsaka hindi siya maarte.”

Panoorin ang kanilang plus-sized sa kilig na love story sa KMJS:

'KMJS': Tigyawat na lumaki, ano kaya ang sanhi?

'KMJS:' Kilalanin si Vico Sotto, ang Millennial Mayor ng Pasig