What's Hot

KMJS: Ang dating magkaribal, naging magkasintahan?

By Bianca Geli
Published January 28, 2019 6:30 PM PHT
Updated January 28, 2019 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Dating magkaribal, nagkamabutihan habang sabay na nagmo-move on sa lalaking nanloko sa kanila. Panoorin ang kuwento nina Angelica at Jeffrey sa episode na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

Nang malaman ni Angelica na niloko siya ng kaniyang nobyo, 'di niya inaakalang sa beki na si Jeffrey pala ito nangaliwa.

Pero paanong nangyari na ang dating karibal niya, sa katagalan ay naging kasintahan niya pa?

Nang malaman nilang pinagsasabay sila ng iisang lalaki, sa halip na mag-away, naging malapit sa isa't isa sina Angelica at Jeffrey.

Naging magkakampi ang dalawa sa pag-move on sa lalaking nanloko sa kanila.

Kuwento ni Angelica sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Ako talaga 'yung nanligaw kay Jeffrey kasi ako talaga 'yung may gusto sa kaniya. Nung time na nagkakatawagan kami, natanong ko sa kaniya, Tayo na lang kaya? Try natin.”

Ayon naman kay Jeffrey, hindi naging madali ang kaniyang pagpili. “Namili na po ako, kung 'yung babae ba na sobrang bait sa akin na si Angelica o 'yung lalaki na si Justin na gustong gusto ko.”

Panoorin ang kanilang istorya sa KMJS: