What's Hot

KMJS: Ang jackpot na money dance

By Bianca Geli
Published July 6, 2019 10:50 AM PHT
Updated July 6, 2019 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Nagmistulang kapa ang perang natanggap ng bagong kasal sa kanilang money dance. Alamin kung magkano ang halaga nito sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Bawing-bawi ang magarbong kasal nina Marj at Diana sa kanilang wedding dance na napuno ng mga tig-isang libo perang papel.

KMJS: Ang jackpot na money dance
KMJS: Ang jackpot na money dance

Tila nagkaroon ng kapa ng pera ang kanilang suot na gown at suit nang mapuno ito ng pera.

Magkano kaya ang kanilang nalikom?

Ani ni Diana Bautista, “Two songs lang 'yung money dance.

“Hindi naming in-expect na dadagsa [yung guests]. Ang sabi na lang sa'min naka-seven songs kami.”

Dalawang daang piraso ng one thousand peso bills o tumatagingting na 200,000 pesos ang nalikom ng bagong kasal.

Bukod dito, may nalikom din na pera ang dalawa mula sa iba pang nagmamahal na guests.

Sa kabuuan, nakalikom ang bagong kasal ng PhP400,000.

Pero sino kaya ang gumawa ng money veil na siyang malaki ang naiambag sa money dance?

Panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho: